Didith Reyes - Bakit Ako Mahihiya
00
Copied!
{Verse 1}
Bakit ako mahihiya
Kung ang puso'y sumisinta?
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko ikaw, sinta?
{Refrain}
Bakit ako mahihiya
Kung sa iyo'y liligaya?
Ang pag-ibig mo lamang
Ang siyang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal
{Verse 2}
No'ng kita'y mahalin
'Di ko na inisip ang kinabukasan ko
Ang nadarama ko'y iniibig kita
Pag-ibig na walang maliw
Sabihin man nila
Na ako'y isang baliw kung dahil sa 'yo giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
Sapagkat mahal kita
{Refrain}
Bakit ako mahihiya
Kung sa iyo'y liligaya?
Ang pag-ibig mo lamang
Ang siyang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal
{Verse 1}
Bakit ako mahihiya
Kung ang puso'y sumisinta?
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko ikaw, sinta?
{Refrain}
Bakit ako mahihiya
Kung sa iyo'y liligaya?
Ang pag-ibig mo lamang
Ang siyang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal
{Verse 2}
No'ng kita'y mahalin
'Di ko na inisip ang kinabukasan ko
Ang nadarama ko'y iniibig kita
Pag-ibig na walang maliw
Sabihin man nila
Na ako'y isang baliw kung dahil sa 'yo giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
Sapagkat mahal kita
{Refrain}
Bakit ako mahihiya
Kung sa iyo'y liligaya?
Ang pag-ibig mo lamang
Ang siyang tanging aliw sa buhay
'Pagkat kita'y minamahal